Clinical trials ng PH para sa Avigan masisimulan na

0
16

Natanggap na ng Pilipinas ang ipinangako ng Japan na Avigan tablets, dahilan para masimulan na ng bansa ang clinical trials para sa pinag-aaralang gamot laban sa COVID-19.

Batay sa inilabas na pahayag ng Embahada ng Japan sa Maynila, ang mga Avigan tablets na ibinigay ay bahagi ng kanilang emergency aid sa mga bansa na labis na naaapektuhan ng COVID-19.

Umaasa naman ang Japan na patuloy na makikipagtulungan ang Pilipinas sa pananaliksik sa posibleng gamot panlunas sa COVID-19.

Ang Avigan tablets ay kilala rin bilang favipiravir na dinevelop ng Fujifilm Holdings Corporation na susubukan sa clinical trial kung epektibo sa paggamot ng COVID-19.

Nasa P18-milyon ang inilaang pondo ng pamahalan para sa Avigan trials kung saan ipagagamit sa 80 hanggang 100 katao na may COVID-19 ang Avigan sa tatlong health care facilities sa bansa.