PhilHealth hindi isasapribado, mananatiling pagmamay-ari ng gobyerno — Quimbo

0
22

Nilinaw ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo, na hindi nito gusto o balak na isapribado ang PhilHealth.

Ani Quimbo sa inihain niyang House Bill #7429 o Social Health Insurance Crisis Act, walang nagsasaad na isasapribado ang ahensya. Ibig sabihin, mananatili itong nasa pagmamay-ari ng gobyerno.

Paliwanag ni Quimbo, layon ng panukala na ibigay lamang sa pribadong sektor ang ibang trabaho sa ahensya gaya ng information technology at legal services.