Monday, April 29, 2024

PhilHealth chief nakatakdang mag-leave sa trabaho dahil sa sakit na lymphoma

- Advertisement -

Nagabiso na si PhilHealth President at Ceo Ricardo Morales na nais niya munang lumiban sa trabaho o mag-medical leave dahil sa kaniyang ini-indang sakit.

Ito ay matapos na magpadala ni morales ng kopya ng kaniyang medical certificate sa Senate Committee of the Whole kung saan nakasaad na sumasailalim siya sa chemotheraphy matapos ma-diagnosed ng cancer.

Sa gitna ito ng kanyang kinahaharap na isyu kaugnay ng umano’y korapsyon sa ahensiya kung saan isiniwalat ni PhilHealth Anti-Fraud Legal officer Thorrsson Montes Keith na nasa P15-bilyong ang naibulsa ng mga matataas na opisyal ng PhilHealth.

Sinabi ni Morales, hindi naman niya nais na mag bitiw sa pwesto dahil ang PhilHealth pa ang mangangasiwa sa implementasyon ng Universal Health Care Law (UHC).

Gayunman, sinabi ni Morales na kaniya nang susundin ang payo ng kaniyang mga doktor na lumiban muna sa trabaho dahil sa kanyang kundisyon.

Samantala, tumanggi na naman si Morales na idetalye pa ang kaniyang ini-indang sakit kung saan muli nitong iginiit na hindi iginalang ang kaniyang privacy matapos na isapubliko ang kaniyang isinumiteng medical certificate sa Senado.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -