Higit 11.2 milyong pamilya ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng SAP 2 —DSWD

0
22

Mahigit 11.2 milyong pamilya ang nakinabang na sa ikalawang bahagi ng social amelioration program (SAP).

Batay ito sa datos ng DSWD na una nang nagpalabas ng P73-billion para sa second tranche ng SAP.

Tiniyak ng SAP na tuloy ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga beneficiary ng SAP kabilang ang waitlisted o karagdagang pamilya.