Philhealth chief nais dumalo sa Senate hearing via online

0
17

Inihirit ni PhilHealth President at Chief Executive Officer Ricardo Morales sa Senado na payagan siyang dumalo via online sa pagdinig kaugnay ng umano’y korapsiyon sa ahensya.

Sa pahayag na inilabas ng PhilHealth, binanggit na bagama’t nagsumite na ng kanyang medical certificate si Morales bunsod ng kanyang sitwasyong pangkalusugan, nais pa rin ng opisyal na um-attend online.

Matatandaang inihayag ni Sen. Panfilo Lacson ngayong weekend na katanggap-tanggap naman ang rason ni Morales kung bakit hindi ito makadadalo sa hearing.

Sinasabing may sakit kanser si Morales at kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy.