COVID-19 cases sa bansa halos 130k na —DOH

0
6

Sumipa na sa 129,913 ang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala ng 3,109 na bagong impeksiyon ang Department of Health (DOH).

Sa nabanggit na bilang, 59,970 ang mga itinuturing na active cases habang 91.2 percent naman ang “mild”, 7.5 percent ang “asymptomatic”, 0.7 percent ang “severe” at 0.6 percent ang kritikal.

Samantala, ayon sa DOH, sumampa na sa 67,673  ang total recoveries kasunod ng paggaling ng 654 COVID-19 patients habang 2,270 na ang death toll sa pagpanaw ng 61 pang pasyente sa buong bansa.