Phil. Army umapela sa mga magulang kaugnay sa recruitment ng mga estudyante sa militanteng grupo

0
42

Umapela sa mga magulang ang Philippine Army na bantayan mabuti ang mga aktibidad ng kanilang mga anak kasunod ng lumabas na report sa dumadaming estudyante nare-recruit ng mga militanteng grupo.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lieutenant Colonel Ramon Zagala, kailangan ay magsimula sa tahanan ang pagdidisiplina upang hindi ma “brain wash” ang mga kabataan.

Kailangan umanong maituro ng mga magulang kung ano ang panganib na dala ng pagsanib sa mga makakaliwang grupo.

Samantala, iniimbestigahan na sa senado ang mga lumabas na report hinggil sa recruitment ng mga militanteng grupo sa mga estudyante.