Estudyanteng dinukot umano ng NPA iniharap ng Makabayan bloc

0
48

Iniharap sa media ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang isa sa mga estudyanteng umano’y dinukot ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Mariing itinanggi ni Alicia Lucena na mula sa Far Eastern University na hindi siya kinidnap at kusa siyang sumama sa mga nag-recruit sa kanya.

Kabaliktaran ito ng pahayag ng kanyang ina na isa sa mga tumestigo sa pagdinig ng Senado sa naturang isyu.

Una nang ginamit ng estudyante ang kanyang facebook account para pabulaanan ang sinabi ng kanyang mga magulang.

Sinuportahan naman ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang pahayag ni Lucena.