Tuesday, May 7, 2024

PH nasa ilalim ng isang de facto martial law — Sison

- Advertisement -

Iginiit ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na nasa ilalim na ng isang de facto martial law ang bansa.

Ayon kay Sison, hindi na kailangan pang mag-deklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar dahil matagal na itong umiiral sa bansa.

Aniya sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga kritiko ng pamahalaan, at sa walang-habas na pagpatay sa ilalim ng drug war ay para na ring umiiral ang martial law sa Pilipinas.

Una rito, matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na magdedeklara siya ng revolutionary war kapag ipinag patuloy ng kaniyang mga kritiko ang paglaban sa mga polisiya ng pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img