Saturday, May 18, 2024

Pangulong Duterte ipinagtanggol ang kanyang pamilay sa mga alegasyon ng PCIJ

- Advertisement -

Ipinagtanggol ni Pangulong President Rodrigo Duterte ang kanyang pamilya matapos ang naging alegasyon ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na hindi daw nakarehistro ang law firm at hindi rin umano nakadeklara sa saln ang mga negosyo ng first family.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Iloilo City, sinabi nitong, tinitira ngayon ang kanyang mga anak hinggil sa kanilang mga law offices na hindi naman aniya dapat na pinakikialaman ng kanyang mga kritiko.

Giit ng chief executive, posibleng binabayaran ng malaki ang mga umanoy investigative journalist para lamang pagmukhaing iligal ang kanilang mga negosyo, na kinabibilangan ng pag-aari nilang law firm at motorcycle shop.

Base sa inilabas ng PCIJ na statements assets, liabilities and net worth (SALN) ng pangulo at ng kanyang mga anak na sina Davao City Mayor Sarah at dating Vice Mayor Pulong Duterte, malaki umano ang itinaas ng kita ng mga ito habang nakaupo sa pwesto.

Bwelta naman ng pangulo sa report na ito ng PCIJ, pareho silang lawyer by profession ng kanyang anak na si Sarah at pinaghirapan aniya ang perang ipinagpatayo ng mga  law firm, kaya’t natural lamang na i-display umano nila  kanilang pangalan dito,

Iginiit ng punong ehekutibo, na wala silang ginawang pagkakamali dahil bahagi lamang ito ng kanilang karapatan para ihayag ang kanilang mga sarili bilang mga abugado.

Samantala, muling binigyang diin ni Pangulong Duterte na nananatiling nakapokus ang kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng law and order sa bansa upang tuluyang malinis ang gobyerno mula sa talamak na graft and corruption.

Binanatan naman ng pangulo ang mga dilawan o ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) hinggil sa isyu ng umano’y ill-gotten wealth ng kanyang pamilya.

Ayon sa chief executive, minana niya sa kanyang mga magulang ang kanyang mga ari-arian at pinaghirapan ng kanilang pamilya na mapalago ang mga ito, kayat bakit umano nya ilalagay sa saln ang kabuuang halaga nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -