PH Judo team sisikaping humakot ng medalya sa SEA Games

PH Judo team sisikaping humakot ng medalya sa SEA Games

by Powered by DWIZ
23 views

Target ng Philippine Judo team na makasungkit ng 4 na medalya sa papalapit na 30th Southeast Asian (SEA Games) na magisimula sa katapusan ng buwang ito.

Ayon kay Philippine Judo Federation Pres. Dave Carter, nasa magandang kundisyon ang kanilang pambato na si Kiyomi
Watanabe kaya’t kumpiyansa silang hahakot ito ng parangal.

Ang Cebuanong Japanese-Filipino na si Watanabe ay nakakuha na ng 3 gintong medalya sa SEA Games dahil sa Judo.

Samantala, patuloy na umaapela ng suporta sa lahat ng mga Pilipino ang Philippine Judo Federation dahil para sa sambayanang Pilipino ang kanilang magiging tagumpay.

 

0 comment

Related Posts