28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga kumpaniya ng langis nagpatupad na ng dagdag-bawas sa presyo

- Advertisement -

May panibagong pagtaas na naman sa presyo ng kada litro ng gasolina habang bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene.

Epektibo 4:01 ngayong hapon, ipinatupad na ng Cleanfuel ang .80 sentimos na umento sa kada litro ng kanilang gasolina habang .30 sentimos naman ang tapyas sa kada litro ng diesel.

6:00 naman ng umaga ng Martes, Nobyembre 19 susunod ang mga kumpaniyang Shell, Petron at Petro gazz.

.80 sentimos ang umento ng Petron sa kada litro ng kanilang gasolina habang .85 sentimos naman ang sa Shell at Petro gazz.

.30 sentimos naman ang tapyas presyo ng mga kumpaniyang Petron habang .15 sentimos naman ang sa Shell at Petro gazz.

Samantala, .15 sentimos ang ipatutupad na rollback ng Shell sa kada litro ng kanilang kerosene habang nasa .20 sentimos naman ang sa Petron.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -