PH-China relations di apektado ng kasong isinampa laban kay Xi Jinping

0
59

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kasong isinampa laban kay Chinese President Xi Jinping sa ICC o International Criminal Court ay hindi makaaapekto sa magandang relasyon ng Pilipinas at China.

Matatandaang kinasuhan nina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Xi sa ICC dahil sa aksyon ng China sa South China Sea at sa katubigang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Duterte, demokrasya ang Pilipinas kaya’t karapatan ng sinumang Pilipino ang magsampa ng kaso laban kaninoman.

Ipinaalala pa ng Pangulo na ang China ay hindi miyembro ng ICC.

Kasabay nito, ipinaliwanag ng Pangulo na hindi matatawag na pagkalas ang ginawa ng bansa sa ICC.

—-