29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

PH bumaba ang ranggo sa Global Corruption Index

- Advertisement -

Nakakuha ng mababang ranggo sa Global Corruption Index ang Pilipinas.

Ito ay batay sa Transparency International’s 2019 Corruption Perceptions Index kung saan nasa ika-113 pwesto na ang Pilipinas sa 180 bansa.

Bumaba ito ng 14 na pwesto mula sa dating ika-99 na pwesto noong 2018.

Lumalabas na nakakuha ang Pilipinas ng score na 34 out of 100 mula sa dating 36 out of 100.

Batay sa pamantayan, ang ‘0’ ay para sa pinakakorap na bansa, habang ‘100’ para sa bansang pinakamalinis sa kurapsyon.

Samantala, nangunguna naman ang Denmark, New Zealand, Singapore at Australia sa mga hindi korap na bansa, habang ang Cambodia, North Korea at Afghanistan ang nakakuha ng pinakamababang score.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -