30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Iba’t ibang bansa nakaalerto na vs. bagong uri ng Coronavirus

- Advertisement -

Naka-alerto na ang iba’t ibang bansa para mapigilan ang pagpasok o pagkalat ng bagong uri ng coronavirus mula sa China.

Dumadaan sa mahigpit na pagsusuri ang mga pasahero mula sa China sa mga airport sa Atlanta, Chicago, San Francisco, Los Angeles at New York.

Ganundin ang ipinatutupad sa mga paliparan sa Singapore at Saudi Arabia.

Pinaigting na rin ang sanitary at quarantine controls sa Russia at United Kingdom.

Ipinagbabawal naman muna ang pagpasok ng turista mula sa China sa North Korea kasabay ng pagkansela sa nakatakda sanang qualifying round ng boxing sa Wuhan para sa 2020 Olympics.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -