PGH nangangailangan ng mga blood donors

0
24

Nangangailangan ng blood donors ang Philippine General Hospital (PGH) sa gitna na rin nang ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Hiniling ng PGH sa mga residente ng Metro Manila na tulungan silang ma sustain ang blood supply para sa kanilang mga pasyente.

Tiniyak naman ng PGH na magpapatupad sila ng social distancing sa pagsasagawa ng blood donation.

Ang sinumang nais mag donate ay maaaring magpa book ng appointment sa PGH blood bank sa 8554 8400 local 3017.

Maaari ring magtext o tumawag sa Globe cellphone number 09057201890 at smart cellphone number 09474882817.