Caritas Manila nakatakdang mamahagi ng grocery vouchers

0
32

Nakatakdang mamahagi ng grocery vouchers ang Caritas Manila para sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila.

Ayon kay Father Anton Pascual, Executive Director ng Caritas Manila target nilang mabigyan ng tig 1,000 gift certificates ang 1-M pamilya sa ilalim ng Project Damayan katuwang ang Philippine Disaster Resilience Foundation at ilang miyembro ng business community.

Binigyang diin ni Pascual na panahon ito para magkaisa ang lahat at makatulong sa mga higit na nangangailangan.