Petisyon ni De Lima vs. Duterte ibinasura ng SC

Petisyon ni De Lima vs. Duterte ibinasura ng SC

by Powered by DWIZ
37 views

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni Senadora Leila De Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa resolusyong inilabas ng Korte Suprema, ibinasura nito ang habeas data petition na inihain ni De Lima labay kay Pangulong Duterte dahil sa immunity na ibinibigay ng Saligang Batas sa pangulo kung saan nakasaad sa 1987 Constitution na hindi maaring maharap sa kaso ang incumbent president ng bansa.

Layon sana ng petisyong inihain ni De Lima na mapanagot ang pangulo dahil sa umano’y mga pag-atake o verbal attacks ng Pangulong Duterte kay De Lima partikular na ang pagsasapubliko ng pangulo ng mga impormasyon sa buhay ng senadora. —ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)

0 comment

Related Posts