Perpetuation ng mga testimonya ng testigo vs ‘ninja cops’ iminungkahi ni Gordon

0
10

Iminungkahi ni Justice at Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na i-perpetuate ang mga testimonya ng mga tetestigo sa usapin ng ‘ninja cops’ at mabigyan ito ng proteksyon.

Ayon kay Gordon, kung merong takot na mapaslang ang 13 ‘ninja cops’, mas kailangan na masiguro ang seguridad ng mga tetestigo dahil posible aniyang may manakot o magtangka sa mga buhay ng mga ito.

Aniya, ang Department of Justice (DOJ) ang mangangasiwa sa perpetuation ng mga testimonya ng mga testigo.

Dagdag pa nito, kung naniniwala ang DOJ na malakas ang ebidensya sa cover up sa ‘ninja cops’, dapat na isailalim sa witness protection program (WPP) ang testimonya ng mga testigo —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19).