Wednesday, May 1, 2024

3 ahensya ng gobyerno mahigpit na binabantayan ng ARTA

- Advertisement -

Tinututukan ngayon ng Anti Red Tape Authority (ARTA) ang tatlong (3) ahensya ng gobyerno kung saan talamak umano ang mga insidente ng ‘red tape’.

Ayon kay ARTA Director General Atty. Jeremiah Belgica, ang mga ahensyang ito ay Food and Drugs Administration (FDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Registration Authority (LRA).

Aniya, binigyan nila ang tatlong (3) tanggapan ng pamahalaan ng sapat na oras para linisin ang kanilang sistema, pero hindi ito sumunod at tila nagmamatigas pa sa kanilang mga katiwalian.

Dagdag pa nito, patuloy rin silang mag iimbestiga sa iba pang ahensya ng gobyerno sa kanilang pag sunod sa Anti-Red Tape Act.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img