Pension hike para sa mga MUP nilagdaan na ni Duterte

0
54

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution No. 1 na nagtaas ng pensyon ng mga military at uniformed personnel (MUP).

Aprubado na rin ng Department of Budget ang naturang pension hike kung saan una nang inilabas ng ahensya ang pension requirements para sa mga retiradong sundalo, pulis, bumbero at jail officers.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman sa pangulo si Sen. Panfilo Lacson, miyembro ng PMA class 1971 at may akda ng resolusyon.

Ayon kay Lacson, sa ngalan ng 220, 000 MUP retirees ay kanilang habambuhay na ipagpapasalamat sa punong ehekutibo at wala ng gagawin ang mga retirado kundi alagaan ang kanilang kalusugan.