Pangulong Duterte binatikos ang founder ng Kapa Ministry

0
49

Hindi napigil ni Pangulong Rodrigo Duterte na batikusin ang founder ng Kapa Community Ministry na si Joel Apolinario.

Sa kaniyang pagbisita sa General Santos City, sinabi ng pangulo na matagal nang hinihintay sa impiyerno si Apolinario.

Kapag aniya nagkita sila ni Apolinario ay ipapakain niya dito ang ngipin nito.

Una nang ipinag utos ng pangulo ang pagpapasara sa Kapa Ministry matapos masangkot sa investment scam na una nang ibinunyag ng Securities and Exchange Commission.