Sunday, April 28, 2024

PDP-Laban nakatakdang makipagpulong kay Duterte

- Advertisement -

Nakatakdang makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ng ruling party na PDP-Laban ngayong linggo.

Ito ay upang idulog ang usapin sa pagpili ng opisyal na pambato para sa house speakership sa darating na 18th congress.

Kasunod na rin ito ng pagkakaroon ng tatlong (3) kandidato ng PDP-Laban para sa nasabing pwesto na kinabibilangan nina Davao Del Norte representative Pantaleon Alvarez, Marinduque representative Lord Allan Velasco at Pampanga representative Aurelio Dong Gonzales Jr.

Mismong si PDP-Laban President Senator Koko Pimentel ang makikipag-usap kay Pangulong Duterte at makapili sa tatlong pambato ng kanilang partido.

Maliban dito, muli ring magpupulong ang PDP-Laban sa susunod na linggo para plantsahin ang kanilang pasya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -