Monday, May 13, 2024

Bishop Villegas itinangging kasama siya sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte

- Advertisement -

Itinanggi Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang alegasyon ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ na kasama siya sa pulong na nagpaplano ng pagpapatalsik sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Villegas, nasa parish church siya sa Orani, Bataan at nagsasagawa ng homily noong gabi ng December 12, 2018, ang petsang binanggit ni Advincula na nagkaroon umano ng pulong para mapatalsik sa pwesto ag pangulo.

Ipinost din ni Villegas sa kanyang Facebook account ang isang video na kuha noong thanksgiving mass para kay Rev. Fr. Jersey Prepose na ginanap noong December 12 sa Shrine of our Lady of the Rosary sa Orani.

Binigyang diin pa ni Villegas, tulad ng isang ordinaryong tao, hindi aniya niya magagawang magpunta sa dalawang magkaibang lugar sa magkaparehong oras at panahon

Magugunitang isa si Villegas sa mga personalidad na tinukoy ni Advincula sa isang pulong sa Ateneo De Manila para sa tinatawag na Project Sodoma o ang planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte sa pwesto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -