34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

PDEA pag-aaralan ang bisa ng medical marijuana

- Advertisement -

Pangungunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pag-aaral sa bisa ng medical marijuana.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, mahalagang matukoy at maisapubliko kung talagang epektibong gamiting pang-gamot para sa mga may sakit ang marijuana.

Paliwanag pa ng opisyal, walang anumang pag-aaral sa bansa tungkol sa bisa nito bilang gamot.

Naniniwala rin si Aquino na marami ang misinformed kaugnay ng medical marijuana kaya’t dapat magkaroon ng kaukulang pag-aaral ukol dito.

Batay sa ilang pag-aaral, ang marijuana ay itinuturing na lunas sa sakit na cancer.

Balak naman ng PDEA na makipag-ugnayan sa University of the Philippines College of Medicine, Department of Science and Technology, Dangerous Drugs Board at Department of Health sa gagawing pag-aaral.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -