34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Ako-Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe patay matapos pagbabarilin sa Albay

- Advertisement -

Patay si Ako – Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at kanyang bodyguard matapos na pagbabarilin sa Daraga, Albay.

Sa paunang ulat, nangyari ang pamamaril pasado alas 3:00 ng hapon habang nasa gitna ng gift giving event para sa mga senior citizen sa covered court ng Brgy. Burgos.

Dead on arrival si Batocabe sa pagamutan dahil sa walong gun shot wounds na tumama sa kanyang katawan habang dalawang tama naman sa ulo ang pumatay sa bodyguard nitong si SPO1 Orlando Diaz.

Si Batocabe ay nasa kanyang huling termino bilang mambabatas at kasalukuyang tumatakbo sa pagka alkalde sa Daraga, Albay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -