Radio Philippines Network
Headlines National News

PDEA humirit ng isang ‘closed door meeting’ kay VP at ICAD co-chair Robredo

Humirit ng isang ‘closed door meeting’ ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kay Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) Co-chairperson at Vice President Leni Robredo.

Ito’y ayon kay PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino ay para ilatag sa pangalawang pangulo ang listahan ng mga high value target ng ahensya kaugnay ng war on drugs.

Pero paglilinaw ni Aquino, tanging ang mga tauhan lang na mayroong security clearance ang maaaring sumama sa nasabing pagpupulong dahil itinuturing nilang isang classified document ang nasabing listahan.

Giit ni Aquino, maging siya mismo ay walang hawak na kopya ng nasabing listahan dahil piling tao lamang aniya ang binibigyan nito.

Kaya naman nangangamba si Aquino na kung ibibigay nila ito kay VP Leni, mawawalan na sila ng kontrol sa kung sino ang magkakaroon ng access sa listahan na posible ring magresulta sa pagkasunog ng kanilang operasyon.

Related posts

NBI, BI pinakikilos na para imbestigahan ang mga sangkot sa Wirecard scandal

Powered by DWIZ

Inaprubahang taas pasahe sa jeep kailangan pag-aralan muli ng LTFRB

Powered by DWIZ

Salceda sa panukalang lockdown sa Metro Manila: ‘Preemptive’, hindi ‘premature’

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More