PDEA Chief Aquino tinawag na sinungaling si Acierto

0
53

Tinawag na sinungaling ni PDEA Chief Aaron Aquino si dating police col Eduardo Acierto.

Ito ay matapos ituro ni Acierto si Aquino na siyang protektor ni dating presidential adviser Michael Yang na isa sa mga binansagang pinakamalaking sindikto ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Aquino, walang batayan ang bintang ni Acierto at ito aniya ay desperado na.

Nanindigan si Aquino na malinis ang kaniyang konsensya at handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon para depensahan at linisin ang kaniyang pangalan.

(with report from Jaymark Dagala)