2019 national budget isinasapinal na ni Pangulong Duterte

0
50

Isinasapinal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag aaral sa 2019 national budget.

Ipinabatid ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na maaaring malagdaan ni Pangulong Duterte ang budget sa linggong ito o sa susunod na linggo bago mag mahal na araw.

Inihahanda na rin ng pangulo ang paglalabas ng veto message ng budget.

Tiniyak ni Nograles na hindi hahayaan ng pangulo na mag lapse into law ang pambansang budget nang hindi nito inaaksyunan.

Isa sa mga nakikita ni Nograles na magiging implikasyon nang pagka antala ng 2019 national budget ang pagkakapatung patong ng mga nakalinyang proyekto ng gobyerno na popondohan nito.

Gayundin ang mga papasok na bagong proyekto na popondohan naman ng panukalang 2020 national budget.

(with report from Jopel Pelenio)