31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

PCOO idinepensa ang ‘HK trip’ ng pangulo

- Advertisement -

Idinipensa ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong nitong weekend.

Ayon kay Andanar, batid niya ang nasabing biyahe ng pangulo at deserving naman ito na magkaruon ng quality time kasama ang kaniyang pamilya.

Sinabi ni Andanar na kitang kita namang mahal na mahal ng pangulo ang kaniyang pamilya at sobra-sobra ang pagtatrabaho nito kaya’t kailangan din niyang makasama ang kanilang pamilya.

Lumabas ang ilang litrato nina Pangulong Duterte, common law wife nitong si Honeylet Avancenia at anak nilang si Kitty habang nasa ilang kalsada ng Hong Kong at nagsa-shopping at kumakain sa isang restaurant.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -