31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Manila North at South cemeteries management pinaghahanda ni Manila Mayor Estrada

- Advertisement -

Pinaghahanda na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pamunuan ng Manila South at Manila North cemeteries.

Ito dahil inaasahan na mas marami ang dadalaw sa mga libingan ngayong undas dahil dikit sa weekend and Nobyembre 1 at 2.

Pinakilos ni Estrada sina directors Dandan Tan ng Manila North Cemetery at Bha Bueza ng Manila South para madaliin ang pag-aayos sa mga pasilidad ng dalawang libingan lalo na ang mga palikuran at daanan.

Kailangan din aniyang ipabatid sa publiko na wala munang libing at cremation mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 at hanggang Oktubre 29 din papayagan ang paglilinis ng mga puntod.

Inatasan na rin ng alkalde ang Manila Police District (MPD) na higpitan ang seguridad sa dalawang sementeryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -