34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

PCGG hinihintay lamang ang pormal na kautusan ni Pangulong Duterte sa pagsusubasta ng mga alahas ni dating Imelda Marcos

- Advertisement -

Hinihintay na lamang ng P-C-G-G o Presidential Commission on Good Government ang pormal na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-susubasta ng mga alahas ni dating unang ginang Imelda Marcos.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, wala pang inilalabas na pormal na aksyon si Pangulong Duterte.

Matatandaang, kamakailan lamang ng sabihin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nag-bigay na ng go signal ang pangulo, sa pagsubasasta ng mga naturang alahas.

Una rito, sinabi naman ng COA o Commission on Audit na dapat may pahintulot ng pangulo ang pagsusubasta ng mga alahas na tinatayang aabot sa 704 point 8 million pesos.

Samantala, taong 2018 nang hilingin ng P-C-G-G sa pangulo na nais nilang i-subasta ang mga naturang alahas na nasamsam sa palasyo ng Malacañang noong People Power Revolution.

Kabilang rin dito ang Roumellotes Collection na nabawi ng Bureau of Customs sa kaibigan ni Ginang Marcos na si Demetrious Roumellotes at Honolulu Collection na nakumpiska naman ng U.S. Government noong 1986.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -