30.7 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Isang partylist group iginiit na nag karoon ng Failure of Elections sa katatapos na 2019

- Advertisement -

Iginiit ng isang partylist group na nagkaroon ng Failure of Elections sa katatapos lamang na 2019 midterm polls, partikular na sa party-list groups.

Sa Ikalawang pagdinig ng House Committee on Public Accounts na may kaugnayan sa Audit Observations sa suppliers at contractors ng automated polls…. inilatag ng comelec ang kopya ng ginamit na balota noong 2010, 2016, at 2019 elections.

Nadiskubre dito na taong 2019 lamang ng inilagay sa likod ng mga balota ang party list groups dahil nais ng comelec na i optimize, o paikliin ang ballot paper upang makatipid.

Ayon kay Ako – Bicol Party List Representative Alfredo Garbin, hindi katanggap-tanggap ang dahilan na ito ng Comelec, dahil na kompromiso naman ang bilang ng mga botante na bumoto sa Party List.

Mula kasi sa 63 milyong rehistradong botante, 27 milyon lamang ang bumoto ng party list.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo, na nakapag-pasya na ang En Banc hinggil sa optimization ng ballot paper, bago pa malaman ang kabuuang bilang ng kandidato sa pagka senador at party list groups, dahil tinutukoy pa ang mga idi-disqualify sa eleksiyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -