29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

PBA MVP June Mar Fajardo nakakalakad na matapos magkaroon ng injury sa paa

- Advertisement -

Nakalalakad nang mag-isa si six time PBA MVP June Mar Fajardo, apat na buwan matapos na magkaroon ng injury sa kanyang kanang paa.

Ayon kay Fajardo, maayos na ang kanyang kalagayan at unti-unti nang nakalalakad ng walang saklay o tulong.

Dagdag ni Fajardo, nagsisimula na rin siyang mag-work out bagama’t sa kanya pa lamang upper body.

Umaasa rin ang San Miguel Center na tuloy-tuloy na rin ang kanyang magiging paggaling.

Sa kabila naman nito, nag-aalinlangan pa rin si San Miguel Coach Leo Austria sa muling pagsabak ni June Mar Fajardo sa basketball court, oras na magbalik na ang season ng PBA ngayong taon.

Sinabi ni Austria, masaya siya sa progreso ng paggaling ni June Mar pero kinakailangan pa rin nitong mag-ingat.

Aniya, posibleng sa susunod na taon na muling makapaglalaro ni June Mar lalo na’y 10 hanggang 12 months na pahinga ang ipinayo rito ng mga doktor bago makabalik sa dati nitong kondisyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -