Pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 nakasalamuha ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa NLEX road inspection event

0
20

Kinumpirma ni Transportation Secretary Arthur Tugade na sa isang road inspection event sa North Luzon Expressway (NLEX) nuong March 5 niya nakasalamuha ang isang pasyenteng nag positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ang nasabing event, ayon kay Tugade na pag inspeksyon sa NLEX harbor link C3-R10 na nakatakdang magbukas sa susunod na linggo, ay dinaluhan din ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi pa naman malinaw kung nagkaruon ng direktang contact ang Pangulo sa naturang indibidwal.