Parcel, balikbayan tracking system inilunsad ng BOC

0
19

Isang tracking system ang inilunsad ng gobyerno para mabantayan ng mga recipient ang kanilang shipment, sa gitna na rin ito nang inaasahang pagdagsa ng mga padala ngayong kapaskuhan.

Inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang Parcel and Balikbayan Box Tracking System (PBTS) na magbibigay ng update kung nasaan na ang padala habang dumadaan sa iba’t-ibang level ng customs clearance.

Sinabi ng customs na paraan din ang tracking system para maiwasan ang mga tiwaling indibidwal.

Ang tracking system ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng website ng customs na www.customs.gov.ph.