Panukalang evacuation center na kayang makapag-accommodate sa mga residente ng tatlong barangay, muling inihain

0
17

Muling inihain sa Kamara ang panukalang magtayo ng evacuation center sa kada dalawa o tatlong magkakalapit na barangay sa bansa.

Nakasaad sa house bill 5259 ang pagtatayo ng evacuation center na kayang makapag accommodate ng mga residente ng tatlong barangay.

Isinulong din nina Bayan Muna Partylist Representatives Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat ang matatag na evacuation center para hindi mabuwal ng anumang kalamidad at itatayo malayo sa matubig na lugar at landslide prone areas.

Nilinaw din sa panukala ang mga pasilidad at gamit na dapat nasa evacuation center tulad ng mga palikuran, generator, rainwater catchment facilities at clinic na mayroong sapat na medical equipment gayundin ang counselling area.