Paolo Duterte nagsorry sa inasal ng anak na si Omar

Paolo Duterte nagsorry sa inasal ng anak na si Omar

by Powered by DWIZ
43 views

Nag-sorry si House Deputy Speaker Paolo Duterte sa inasal ng kanyang anak na si Omar nang hindi ito luminya at nilampasan ang protocol na ipinatutupad sa pinuntahan nyang supermarket.

Ayon kay duterte, buong pagpapakumbaba syang humihingi ng paumanhin at makakaasa anya ang publiko na aaksyunan nya ang pagkakamali ng anak.

Una nang kumalat ang balita hinggil sa pagtungo ni Omar sa S&R Davao kung saan nilampasan nya ang mahabang nakapila kaya’t hindi ito nakunan ng temperatura.

Tiniyak rin ni Cong. Duterte na paiimbestigahan nya sa Presidential Security Group (PSG) ang sinasabing misconduct ng security team na kasama ni Omar.

0 comment

Related Posts