Estados Unidos bagong episentro ng COVID-19 outbreak

Estados Unidos bagong episentro ng COVID-19 outbreak

by Powered by DWIZ
31 views

Nalampasan na ng Estados Unidos ang China sa dami ng mga may impeksyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hanggang ngayong araw na ito, Biyernes, March 27, umabot na sa 81,836 ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos kumpara sa 81,782 ng China.

Sa unang pagkakataon rin ay nagtala ng 237 kataong patay sa COVID-19 ang Estados Unidos sa loob lamang ng isang araw o kabuuang 1,186 mula nang magsimula ang COVID-19 outbreak.

0 comment

Related Posts