Paolo Duterte naghain ng COC sa pagka-kongresista ng Davao City

0
49

Naghain na ng certificate of candidacy (COC) si dating Davao City Vice Mayor at Presidential Son Paolo Duterte sa pagka-kongresista ng 1st district ng Davao City, kahapon.

Sinamahan si Duterte ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio at bayaw na si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Duterte, tiwala siyang nananatili pa rin ang suporta sa kanya ng mga taga Davao City sa kabila ng pagkakasangkot sa ilang mga kontrobersiya.

Magugunitang, nagbitiw bilang bise alkalde ng Davao City si Duterte noong nakaraang taon matapos masangkot sa mahigit P6 bilyon halaga ng shabu shipment sa bansa at makipagbangayan sa anak na si Isabelle sa publiko.

Samantala, hindi pa naghahain ng kanyang kandidatura si Mayor Sarah Duterte bagama’t kanyang kinumpirma ang muling pagtakbo bilang alkalde ng Davao City.