Mahigit P1-B jackpot prize ng Ultra Lotto bigo pa ring mapanalunan

0
42

Mailap pa rin sa   mga mananaya ng lotto ang mahigit isang bilyon pisong jackpot prize ng Ultra Lotto 6 /58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang tumama sa winning number combination na   28 – 14 – 54 – 50 – 17 at 27 na may premyong mahigit P1.1 bilyon.

Dahil dito, lalo pang tataas ang premyo sa susunod na draw ng Ultra Lotto bukas.

Ito na ang pinakamalaking jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas.