Panukalang ‘term sharing’ sa House Speakership tinutulan

0
54

Tutol si dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa panukalang term sharing sa posisyon ng House Speaker.

Ayon kay Alvarez, malaking kalokohan ang term sharing dahil hindi na ito usapin ng personalidad lamang kundi usapin na ito, para sa ating bansa.

Samantala, handa si Alvarez na suportahan si incoming Rep. Paolo Duterte sakaling gustuhin nitong tumakbo bilang House Speaker.

Sinabi ni Alvarez na hindi maging hadlang kay Duterte ang pagiging anak ng pangulo ng bansa para sungkitin ang House Speakership

Maliban kay Alvarez ang mga inaasahang tatakbo bilang Speaker of the House ay sina Rep. Ferdinand Martin Romualdez at dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

——