Palasyo nagpaliwanag sa pagiging malamya ng Pangulong Duterte noong PMA graduation rites

0
57

Nagpaliwanag ang Malakanyang sa pagiging malamya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, alam naman ng lahat na night person ang pangulo kayat inaantok ito sa mga pang magang events.

Sinabi ni Panelo na halos alas sais na ng umaga natulog ang pangulo at kinailangan nitong gumising ng alas otso y medya para dumalo sa graduation ng PMA.

Ipinaubaya rin aniya ng pangulo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pamamahagi ng diploma sa mga nagtapos na kadete upang i-reserba ang kanyang enerhiya sa ibang bahagi ng programa.

Malinaw naman aniya na, masigla at gising na ang pangulo nang magtalumpati kung saan muli itong nagpakawala ng kanyang rape joke.

Gayunman, sinabi ni Panelo na sanay na ang mamamayan sa mga jokes ng pangulo na ang intensyon lamang naman aniya ay magpatawa.

—–