Panukalang pondo ng OVP lusot na sa plenaryo ng Senado

0
16

Matiwasay na lumusot agad sa plenaryo ng Senado ang panukalang budget para sa Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.

Walang kahit isang senador ang nagtanong kaya’t aprubado na agad ang P664-million panukalang budget ng OVP para sa 2020.

Personal pa sanang panonoorin ni Vice President Leni Robredo ang deliberasyon sa panukala nilang budget subalit agad rin itong umalis matapos na lumusot agad ang budget. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)