Halos P4-B na bagong armas pinasinayaan sa Kampo Krame

0
32

Ipinasinayaan na ng Philippine National Police (PNP) ang mga bagong kagamitan nito na makakatulong sa kanilang mga operasyon laban sa krimen.

Binendisyon sa Kampo Krame ng mga armas na nagkakahalaga ng halos P4-B.

Maliban sa mga kagamitan ay binasbasan rin ang mga bagong saksakyan tulad ng helicopter, 21 patrol vehicles at 34 na utility truck para sa mga regional mobile force batallion.

Ayon kay PNP OIC Pol. Lit. Gen. Archie Gamboa, malaking tulong ang mga kagamitan na ito lalo na ang mga combat helmets para sa karagdagang proteksyon ng mga pulis na nagkakasa ng anti-drug operations. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)