Wednesday, May 8, 2024

Panukalang pagtaas sa statutory rape age sa 16 aprubado na

- Advertisement -

Lusot na sa Senate Committee on Justice and Human Rights ang panukalang batas na naglalayong itaas sa 16 na taong gulang ang age of sexual consent mula sa kasalukuyang 12 sa statutory rape.

Sa pagdinig ng komite, nagmosyon si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na aprubahan na ang panukala para maisalang sa plenary debates at sinegundahan naman ni Senadora Imee Marcos.

Ayon kay senate committee on justice and human rights Chairman Richard Gordon, isasaayos ang panukalang batas sa technical working group para magawan na niya ito ng committee report.

Oras na maging ganap na batas ito, ituturing nang statutory rape na may parusang hanggang reclusion perpetua ang pakikipagtalik ng adult o edad 21 pataas sa hindi pa sumasapit sa edad na 16.

Sinabi ni Zubiri, sa pamamagitan aniya ng panukala, mapipigilan ang pagsasamantala sa mga kabataan gayundin ang tumataas na kaso ng teenage pregnancy.

Samantala, iminungkahi nina Senadora Risa Hontiveros at Marcos na lagyan ng Romeo and Juliet clause ang panukala kung saan wala magiging criminal liability kung parehong menor de edad ang nagniig maliban na lang kung pinuwersa ang biktima.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img