Saturday, May 4, 2024

Panukalang paglalagay ng bike lanes kinuwestyon ni Villar

- Advertisement -

Kinuwestiyon ni Senador Cynthia Villar ang panukalang paglalagay ng bike lanes sa mga lansangan sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Batay kasi sa isinusulong na Senate Bill No. 1582 ni Senadora Pia Cayetano, kinakailangan maglagay ng pansamantalang mga linya para sa mga bisekleta at iba pang non-motorized vehicles para makatulong sa mga frontliners at iba pang mga manggagawang hirap sa transportasyon sa pagpasok sa kanilang trabaho.

Ngunit ayon kay Villar, karamihan sa mga lansangan ay dalawa na lamang ang linya kaya wala nang malulugaran para sa bike lane.

Giit ni Villar na dapat harapin ang reyalidad na ang ating mga lansangan ay hindi perperpekto at hindi ito maluluwag.

Gayunman, sinabi ni Cayetano na maaaring solusyon dito ay ang pag-aadjust sa daloy ng trapiko gaya ng pagpapatupad ng one-way scheme sa mga masisikip na lansangan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img