33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Microfinance programs para sa MSMEs lusot na sa house committee

- Advertisement -

Lusot na sa house ways and means committee ang Puhunan, Tulungan at Kaunlaran (PTK) act of 2019 na inihain mismo ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa ilalim ng panukalang batas, lahat ng grants, financing, donasyon at kontribusyon para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa ilalim ng PTK act of 2019 ay hindi papatawan ng donor’s tax at ikukunsidera din ito bilang allowable deduction mula sa gross income ng donor batay sa national internal revenue code.

Layon din nito na gawing simple at praktikal ang proseso ng pagkuha ng mga msmes ng micro-financing, grants at technical support.

Hindi rin dapat patawan ng mas mataas na interest rate na ipinataw sa kasalukuyang mga bank rates ang loan rates ng mga uutangin ng mga MSMEs.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -