Panukalang “No-El” scenario, same sex at death penalty patay na sa kamara ayon sa isang mambabatas

0
60

Malabo nang umusad pa ang ipinalulutang na no-el o no election scenario sa 2019 ni Dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kamara.

Ito ang inihayag ni deputy speaker at Camarines Sur Representative Rolando Andaya sa ilalim ng liderato ni bagong talagang House Speaker Gloria Arroyo.

Ayon kay Andaya, mismong si Arroyo na ng nagpalabas ng direktiba na dapat matuloy ang 2019 election dahil hindi nito sinusuportahan ang panukalang term extension.

Bukod dito, wala na rin aniyang pag-asa ang iba pang isinusulong na batas ni Alvarez tulad ng same sex marriage, divorce at death penalty.

Paliwanag ni Andaya, kilalang pro life si Arroyo at naniniwala rin itong sapat na ang mga panukalang batas na nagbibigay proteksyon sa LGBT community kaya hindi na kailangan ang same sex marriage.

Samantala, tiwala naman si Andaya na uusad na ang package 2 ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law dahil mas maipapaliwanag aniya ito ni Arroyo bilang dating presidente at ekonomista.