30.6 C
Manila
Monday, March 4, 2024

Mas pinalakas at mas madugong kampanya kontra iligal na droga ikinakasa ng PDEA

- Advertisement -

Hindi patitinag ang Philippine Drug Enforcement Agency sa nangyaring pagpaslang sa isa nilang PDEA agent sa Cebu na tinambangan ng mga di nakilalang riding in tandem habang pauwi ng kanyang bahay.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, patuloy ang kanilang pagluluksa sa pagkamatay ng kanilang kasamahan na si Investigation Agent III Earl “Baby” Rallos, 48-anyos at residente ng Labangon, Cebu City.

Tiniyak naman ni Aquino na pananagutin nila sa batas ang mga nasa likod ng pagpatay kay Rallos.

Binalaan din ni Aquino ang mga nagbabalak sa kanila ng masama na mas paiigtingin pa nila ang kampanya laban sa iligal na droga at hindi aniya sila natatakot sa mga banta ng mga kriminal.

Giit pa ng PDEA chief, hindi titigil ang PDEA hanggat hindi nauubos ang mga drug syndicate sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -